Kasalukuyan ang pamamahagi ng diploma para sa 282 Philippine Military Academy (PMA) graduates na binubuo ng 207 na kalalakihan at 75 na babae.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nangunguna sa pamamahagi ng diploma kasama si PMA Superintendent Lt Gen. Donato San Juan.

Ikinagulat din ng PMA Top 1 na si Jaywardene Hontoria ang pagkaloob sa kaniya ng pangulo ng house and lot na siyang kauna-unahan sa kasaysayan ng graduation exercises ng akademya.

Sa 282 graduates ng PMA Class 2018, 143 ang madedestino sa Philippine Army, 71 sa Philippine Air Force, at 68 sa Philippine Navy.