-- Advertisements --

PBBM1

Matagumpay na ipinarating ni Pang. Bongbong Marcos ang interest ng Pilipinas sa unang araw nito sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok,Thailand.

Ito ang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, kung saan nakuha din ng Pangulo ang “respect and admiration” ng mga business leaders sa rehiyon.

Naipakita din ng Pangulo ang kaniyang galing sa pakikipag dayalogo sa ginanap na APEC Summit.

Napansin din ni Speaker Romualdez sa isinagawang panel discussion, nakita nito sina World Economic Forum founder, Prof. Klaus Schwab, at Global Chairman ng PricewaterhouseCoopers International Limited na si Robert Moritz, na tumatango tango sa mga insights at punto na ni raised ng Pangulong Marcos.

Dagdag pa ni Speaker na kitang kita din na kuntento si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na kabilang sa Philippine delegation hinggil sa performance ng Pang Marcos Jr.

Aniya, pinalakpakan ng mga dumalong business leaders ang Pangulo ng sabihin nito na ang magandang paraan para maibalik uli ang tiwala ng tao ay ang magandang performance.

Binigyang diin ni Romualdez na ang Pangulo ay very focused at talagang pinaghandaan ang pagdalo sa APEC Summit.

Inalam din ng Pangulo ang bawat detalye ng mga isyu gaya ng global climate change at kung paano ito maka apekto sa food security at sa economiya ng bansa.