-- Advertisements --
COMELEC

Kiasa umano ng Commission on Elections (Comelec) sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mapayapang halalan sa susunod na taon.

Sa isang statement, pinaalalahanan ni Comelec spokesperson James Jimenez Comelec ang lahat ng mga tatakbong kandidato sa 2022 national at local elections na iwasang humantong sa karahasan ang halalan sa kanilang mga lugar para lamang manalo sa tinakbuhang posisyon.

“The President’s call for peaceful elections is a powerful reminder to all would-be candidates and their campaigns, to reject violence,” ani Jimenez.

Muli namang siniguro ni Jimenez na nakikipagtulungan na sila sa security sector para siguruhing malaya at maayos ang halalan.

Binigyang diin naman ni Jimenez na may kapangyarihan ang poll body na ipatupad ang Comelec control sa ilang lugar sa bansa na posibleng magkaroon ng karahasan sa halalan.

“The COMELEC shares the President’s sentiment and would like to reassure the public that it works very closely with both the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police to ensure that the elections are free of violence,” dagdag pa nito.

Kung maalala noong Biyernes, sinabi ni Pangulong Duterte na mayroong posibilidad na gamitin nito ang militar para siguruhing maayos ang halalan sa Mayo.