-- Advertisements --
Nanguna ang kasong pananakit at pang-aabuso sa kanilang asawa at anak ang naisasampa sa mga kapulisan.
Ayon sa PNP Integrity Monitoring and Enforcement group na noong nakaraang taon lamang ay nanguna ang kasong paglabag sa Anti-violence against Women and their Children Law na isinampa sa mga kapulisan.
Kabilang na dito ang physical, sexual, psychological at economic abuse ganun din ang hindi pagbibigay ng financial obligations sa kanilang pamilya.
Sinabi ni PNP-IMEG Director Police Brig. Gen. Warren De Leon na hindi sila nagkukulang sa pagbibilin sa mga kapulisan ukol sa tamang pag-uugali lalo na ang mga pagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak.
Pagtitiyak din nito na umuusad ang mga kasong isinasampa sa mga kapulsan.