Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa pagkapanalo ng Filipino boxer na si Nesthy Petecio sa 2019 AIBA Women’s Boxing World Championships kung saan nakakuha ito ng gintong medalya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagbubunyi ang sambayanang Pilipino sa tagumpay ni Nesthy laban sa Russian boxer na nakalaban sa mismong teritoryo nito.

Ayon kay Sec. Panelo, sadyang “proud moment” ito para kay Nesthy at Pilipinas.

Inaasahan daw ng Malacañang na lalo pang magniningning si Nesthy sa nalalapit na South East Asian Games kung saan host ang bansa at bitbit nito ang watawat ng Pilipinas ng buong pagmamalaki at karangalan sa harap ng mga kababayan.

“The Palace congratulates Filipino boxer Nesthy Petecio for winning the 2019 AIBA Women’s Boxing World Championships yesterday,” ani Sec. Panelo.

Our people are one in rejoicing Nesthy’s triumph after winning against her Russian opponent in the latter’s turf country. Indeed, it was a proud moment for Nesthy and the Philippines.”