
Kampante ang Department of Social Welfare and Development na nagawa nito ang tungkulin na tulungan ang mga Pilipino sa loob ng isang taon na panunungkulan ni Pang. Ferdinand marcos Jr.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagawa ng ahensiya na tulungan ang maraming Pilipino na nangangailangan ng tulong, kasama na ang mga naapektuhan ng kalamidad at mga naapektuhan ng armadong labanan sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Kinabibilangan ito ng kabuuang 2,372,371 family food packs at 3,723,954 non-food items na ibinigay ng ahensiya sa mga local government units.
Umabot rin sa 1,046,559 displaced households dahil sa ibat ibang kadahilanan ang natulungan ng ahensiya.
Ang mga nasabing bilang ay pawang sa unang bahagi ng panunungkulan ni Pang. marcos mula Hulyo hanggang sa pagtatapos ng Disyembre ng taong 2022.
Ngayong 2023, sinabi ni Gatchalian na nakapaghatid na ito ng kabuuang 1,352,425 FFPs at 496,977 non-food items sa mga napektuhan ng iba’t-ibang kalamidad na kinabibilangan ng Habagat, shear line, at armerd conflict.
Tuloy-tuloy din aniya ang pagpapatupad ng DSWD ng mga rehabilitation at recovery program nito para sa mga nasabing pamilya.