Nais paimbestigahan ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles sa Kongreso ang pamimiratang nangyayari sa mga online shopping platforms.
Sinabi ni Nograles na dapat mayroong isang dedicated government agency na tatanggap at aaksyon sa mga reklamo ng mga consumers at manufacturers na biktima ng mga online sellers na nagshi-ship ng mga pekeng produkto.
Iginiit ng kongresista na kailangan masilip ang usapin na ito upang sa gayon ay magawan ng sapat na batas ukol dito para na rin maprotektahan hindi lamang ang mga mamimili kundi maging ang mga manufacturers.
Sa ngayon daw kasi, bagamat uso na ang online shopping sa bansa, wala naman daw government intervention na nagbibigay ng proteksyon sa mga consumers at producers na nabibiktima ng pamimirata ng mga online retailers.