-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Proud na proud pa rin ang mga kaanak sa Abuyog, Leyte ng Fil-Canadian tennis player na si Leylah Fernandez sa kabila ng kabiguan nitong makamit ang titulo sa US Open Women’s Tennis finals.

Ayon kay Marlon Villamor, tiyuhin ni Fernandez sa Abuyog Leyte, kahit na natalo si Leylah ng British tennis player na si Emma Raducanu sa finals ng women’s tennis, ay champion pa rin para sa kanila ang kanyang pamangkin.

Proud di umano ang kanilang buong pamilya sa ipinakitang laro ng 19 taong gulang na tennis player.

Ayon pa dito ay isang malaking karangalan para sa kanilang pamilya at sa bansa ang nakamit ni Leylah na nagawang matalo ang tatlo sa top 5 players sa isang major tournament.

Umaasa naman si Villamor na sa susunod na mga taon ay makakamit na ni Leylah ang pinaka-aasam na titulo at ayon pa dito ay malayo pa ang mararating ng kanyang pamangkin sa larangan ng nasabing sports.