Nagpaabot ng pasasalamat ang Mabasa sa naging pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa kontrobersiyal na kaso ukol sa pagpatay sa radio brodcaster na si Percy Lapid.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na mahalaga na matukoy kung saan galing ang utos, sino ang nagsabi sa middleman na maghanap ng gunman para patayin si Lapid, bakit at ano ang motibo ng krimen.
Ayon pa sa Presidente, hind na kailangang magbigay pa siya ng bagong direktiba sa mga otoridad dahil dapat alam ng mga ito ang gagawin.
Pinabulaanan din ng Presidente ang mga kritisismo na tahimik sila at walang ginagawa sa kasong ito.
Sa katanuyan aniya ay tatlo hanggang lima ulit silang nag-uusap sa isang araw nina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at Interior Secretary Benhur Abalos para matutukan ang kaso.
Bilang reaksiyon ng kapatid ng broadcaster na si Roy mabasa, nagpapasalamat sila at kinikilala nila ang pagsisikap ng Pangulong Marcos at ng gobyerno na maresolba ang kaso sa lalong madaling panahon.
Una rito, nakipagpulong ang pamilya mabasa sa Commission on Human Rights office para sa case conference sa hiwalay na imbestigasyon ng CHR sa kaso.