Pamilya ni Negros Oriental Gov. Degamo,umaasang makamit pa rin ang hustisya sa pagkamatay ng opisyal
Nananawagan ngayon ng hustiya ang pamilya ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo kasunod ng nangyaring pamamaril kaninang umaga na ikinasawi ng opisyal at limang sibilyan habang ikinasugat naman ng dalawang police escort.
Nangyari ang pamamaril sa bahay ni Degamo habang namahagi ito ng ayuda sa mga benepisyaryo ng 4p’s.
Sa kuha ng CCTV footage, makikita na may nakaparadang itim na sasakyan sa labas ng gate at kalmadong pumasok ang mga armadong kalalakihan.
Kinausap muna ng isa sa mga suspek ang nakabantay ngunit bigla nalang itong binaril at pinaulanan ng mga bala ang nasa loob kaya may mga nasugatan at nasawi kasama opisyal.
Naisugod pa ito sa pagamutan si Degamo ngunit dahil sa natamong tama sa dibdib ay binawian na ito ng buhay dakong alas 11:41 kaninang umaga.
Sa inilabas na pahayag ng asawa ng gobernador na si Pamplona Mayor Janice Degamo, sinabi nitong hindi pa umano ‘deserve’ ng opisyal ang ganung klaseng kamatayan.
Pinagsilbihan lang ng 57 anyos ang kanyang mga nasasakupan nang mangyari ang pamamaril.
Umaasa pa ang alkalde na totohanin ng national government ang paghahanap sa mga may kagagawan sa krimen para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang asawa.
Inilarawan pa niya ang gobernador na isang mapayapang lider na handang lumaban sa kasamaan at mga pamamaraan.
Dagdag pa nito na wala na silang magagawa at hindi na umano maibabalik ang buhay ng ni Degamo kaya ang magagawa nalang nila ay ang magpatuloy.
Naniniwala naman ito na may hustisya pa rin at may mga taong hindi mabayaran ng pera na tutulong para makamit ang hustisya.