Naging emosyunal si Pia Magalona sa paggunita sa ika-10 taong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang asawang si Francis Magalona ngayong Miyerkules, March 6.

Sa kanyang online post, nagbalik-tanaw si Pia nang ma-diagnose ang tinaguriang “Master Rapper” na mayroong acute myelogenous leukemia noong August 2008, bago pumanaw matapos lamang ang pitong buwan noong March 6, 2009 sa edad na 44.

“Today is Ash Wednesday. We also commemorate the 10th death anniversary of FrancisM,” bahagi ng caption nito.

“The most difficult was telling the three youngest who still lived at home at the time, whom I told face to face. They were only 14, almost-9 and almost-8. I cried with them with each and every revelation, answering the same questions eight times over.”

Nabatid na walo ang anak nina Francis at Pia na sina Maxene, Francis Jr. (Frank), Saab, Elmo, Arkin, at Clara; at ang stepchildren ng rapper na sina Unna at Nicolo.