KORONADAL CITY – Humihiling sa ngayon ng privacy ang pamilya ng 30 taong gulang na si 2019 Miss USA Cheslie Kryst, isa ring news correspondent at abogada matapos na matagpuan ang katawan nito dahil sa pagtalon-patay mula sa ika-9 na palapag ng tinutuluyang high rise building sa Manhattan, New york.
Ito ang ibinahagi sa Bombo Radyo Koronadal ni Bombo International News Correspondent Jelin Dohina Asamoah na tubong Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato at kasalukuyang naninirahan sa New York, USA.
Ayon kay Asamoah, lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nag-iisang naninirahan sa 9th floor ng condominium ang abogada at huling nakita sa footage na umakyat pa ito ng 29th floor ng nabanggit na gusali.
Ilang oras umano bago ito tumalon ay sumulat pa si Kryst sa kanyang instagram page ng “May this day bring you rest and peace.
Depression naman ang nakikitang rason sa pagpapakamatay nito.
Aminado naman si Asamoah na alam ng pamilya at kakilala ni Kryst na matagal na itong sumasailalim sa counselling at psychological treatment dahil sa depression.