-- Advertisements --

Patay matapos tumalon sa gusali ang 2019 Miss USA na si Cheslie Kryst sa New York City.

Ayon sa New York Police District (NYPD) nakatanggap sila ng tawag sa insidente ng pagtalon ng biktima sa midtown apartment building sa 42nd Street.

Sinasabing naninirahan sa ika-siyam na palapag ng nasabing dating beauty queen.

Huling nakita ito sa ika-29 palapag ng gusali.

Ilang oras bago ang kaniyang kamatayan ay nag-post pa ang 30-anyos na beauty queen ng video sa kaniyang social media account na tila nagpapaalam na.

Nag-iwan din ito ng sulat na nagsasabing ang lahat ng kaniyang gamit ay ibibigay sa kaniyang ina.

Mula sa North Carolina ito at isang abogadA noong makuha ang titulo.

Ginamit niya ang kaniyang pagiging Miss USA para ilabas ang kanyang adbokasiya sa social at criminal justice reform.