Makakatanggap ng karagdagang P200,000 tulong pinanisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pamilya ng mga napatay na 3 Pilipino sa giyera sa Israel.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), makakatanggap din ng P50,000 cash ang mga ito mula sa DMW,.
Magbibigay ang OWWA at DMW ng P20,000 para sa wake at burial assistance at sasagutin ng nasabing mga ahensiya ang gastos sa reptriation ng mga labi ng nasawing mga Pilipino pabalik dito sa PH.
Ipinag-utos din aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensiya ang pagbibigay ng educational asistance sa mga bata na biktima gayundin ng tulong pangkabuhayan at medical at psychological support para sa kanilang naulilang pamilya.
Samantala, ayon naman kay OWWA Adminsitrator Arnell Ignacio, etiled na makatanggap ng mga Pilipinong marerepatriate mula Israel sa P10,000 na tulong pinansiyal sa oras na bumalik sila dito sa bansa.