-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Sumisigaw ng hustisya ngayon ang pamilya ng tatlong mga kalalakihan na tinambangan-patay at pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa bayan ng Aleosan, North Cotabato.

Kinilala ni Capt. Arvin John Cambang, hepe ng Aleosan PNP, ang mga biktima na sina Mumocan Kanton Salanggao, 31, kapatid nitong si Romano Kanton Salanggao, 27, na kapwa residente ng Pobalcion 3, Midsayap, North Cotabato habang ang isa pang kasama ng mga ito ay nakilalang si Darwin Pama Sabes na taga Poblacion 5 sa bayan pa rin ng Midsayap.

Ayon kay Police Capt. Cambang, lumabas sa kanilang imbestigasyon na lulan ng isang sasakyan ang mga biktima nang hinarang ng mga salarin sa Barangay Dualing, pinababa at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpaslang sa tatlong mga biktima.

-- Advertisement --

Nakuha sa crime scene ang 7 empty shell ng caliber 45 na ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa mga ito.