-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi maisalarawan ang kaligayahang nadarama ng pamilya Cea nitong lungsod matapos makasungkit ng gold medal sa taekwondo under 74-kilogram category si Dave Cea sa nagpapatuloy na 30th edition ng Southeast Asian (SEA) Games.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng tiyuhin ni Dave Cea na si Edwin Cea ng Purok 4, Barangay Tagabaca nitong lungsod, na naengganyo ang ama ng taekwondo jin na ipa-enrol siya sa sporting evens upang makadepensa sa kanyang sarili matapos mabiktima ng snatcher noong 2010.

Gayunman, walang available na judo-karate kaya sa taekwondo nila ito pina-enrol kasama ang kanyang anak kung saan mabilis namang na-develop ang skills ni Dave sa naturang sports.

Sunod nito ay kinuha siyang scholar ng National University sa Maynila na siyang nagpadala sa kanya sa Palarong Pambansa 2019 kung saan nagkamit siya ng gold medal kaya pinadala naman sa SEA Games 2019.

Inaasahan na umano nilang makaka-gold sa SEA Ganes si Dave dahil sa labas ng bansa ito nagti-training.

Napag-alamang mahal umano ng kanilang mga kapitbahay ang kanyang pamangkin dahil itinuturo rin nito sa kabataan ang kanyang mga nalalaman sa kanyang ensayo upang maka-iwas sila sa kahit na anumang bisyo.

Sa ngayo’y target ni Dave na makasali sa Olympics ngunit sasali muna siya sa mga international competitions at magti-training pa sa ibang bansa sakaling makakauwi na sa kanilang lugar upang makakatulong sa gawain ng kanyang mga magulang