-- Advertisements --

Kinoronahan ang pambato ng Vietnam bilang 50th Miss Intercontinental 2022 na ginanap sa Egypt.

Nangibabaw si Le Nguyen Bao Ngoc habang tinanghal na first runner up si Mariela Pepin ng Puerto Rico na sinundan ni Cecila Almeida de Sousa ng Brazil, Joy Raimi Mojisola ng Nigeria, Tatjana Genrich ng Germany at Emmy Carrero Mora ng Venezuela.

Ang mga special awards naman ay nakamit ng mga sumusunod.

Miss Power of Beauty: Venezuela
Best in Swimsuit: Germany
Best in National Costume: Honduras
Miss Meraki Model: Czech Republic
Miss Congeniality: Cameroon
Miss Photogenic: El Salvador
Miss Sunrise: Netherlands
Miss Popularity: Sri Lanka

Nagtapos lamang sa Top 20 ang pambato ng Pilipinas na si Gabrielle Basiano.

Kasama niya sa top 20 ang pambato ng Colombia, Brazil, Zimbabwe, Nigeria, Mauritius, Japan, Thailand, Australia, Vietnam, Germany, Netherlands, Russia, Hungary, Slovak Republic, Czech Republic, Puerto Rico, Dominican Republic, Cuba at Venezuela.

Target sana ni Baisano na makuha ang back-to-back win ng bansa na nakuha noon ni Cindy Obeñita.