-- Advertisements --

Kinoronahan ang pambato ng Pilipinas na si Anne De Mesa bilang Miss Tourism Worldwide.

Sa ginanap na coronation night sa Singapore ay nakuha rin ni De Mesa ang ilang award gaya ng Miss Celebrity, Best in National Costume, at Best in Gown.

Sinabi nito na nagdasal siya para makuha ang korona kung saan alam naman nito na ginawa niya ang lahat ng mga makakaya kaya nagwagi siya.

Nakuha naman ng pambato ng Cameroon ang first runner-up habang ang pambato ng Estonia ay second runner-up.

Nagtapos naman sa pagiging third runner-up ang pambato ng Belgium habang ang Thailand ay nakuha ang pang-apat na puwesto.

Ito na ang pangalawang titulo ng bansa na ang una ay noong 2018 na nakuha ni Zara Carbonell.