LEREN BAUTISTA
LEREN BAUTISTA

Nagtapos sa ikalawang puwesto ang pambato ng Pilipinas na si Leren Mae Bautista sa katatapos na Miss Globe 2019 na ginanap sa Ulcinj, Montenegro.

Nakuha naman ni Alejanda Diaz De Leon Soler ng Mexico ang nasabing titulo ngayong taon.

Habang 1st runner-up naman si Carla Jean Lare ng Trinidad at Tobago , third runner-up naman si Shauna Griffiths ng Canada at 4th runner up si Kristyan Malirova ng Czech Republic.

Papalitan ni Soler si 2018 Miss Globe Yu Yizhou ng China.

Magugunitang nakuha ng Pilipinas ang titulo noong 2015 sa pamamagitan ni Anne Lorraien Colis.