-- Advertisements --

Nakuha ng pambato ng Pilipinas na si Anna Lakrini ang 2nd runner-up sa Miss Globe 2023 pageant na ginanap sa Albania.

Kinoronahan naman ang pambato ng Malaysia na si Manvin Khera ang korona ng Miss Globe 2023.

Habang first runner up ang pambato ng Spain, third runner-up naman ang pambato ng Nigeria at 4th Runner-Up naman ang pambato ng USA.

Papalitan ng pambato ng Malaysia si Dominican Republic Anabel Payano na nagwagi bilang Miss Globe 2022.

Huling nakakuha ng korona ng nasabing pageant ang Pilipinas noong 2015 sa katauhan ni Ann Lorraine Colis at Maureen Montagne noong 2021.