-- Advertisements --
Nakuha ng pambato ng bansang Namibia na si Chanique Rabe ang titulong 2021 Miss Supranational title.
Si Rabe ang unang African na nakakuha ng titulo at tinalo ang 57 na iba pang kandidata mula sa ibang bansa.
Ginanap ang 12th edition ng nasabing pageant sa Strzelecki Park Ampitheater in Malopolska, Poland.
Nagtapos naman sa Top 12 ang pambato ng bansa na si Dindi Pajares at naging first runner-up sa “Miss Elegance” contest.