-- Advertisements --
Humingi na ng tulong sa mga kapulisan ang mga kaaanak ng isang kandidata sa Miss Grand Philippines 2023 na si Catherine Camilon dahil sa ilang araw na itong nawawala.
Ayon sa kapatid nitong si Chin-Chin na noon pang nakaraang Oktubre 12 ay hindi na nila nakita pa ang kapatid.
Huling tawag pa sa kanila ay noong gabi ng Oktubre 12 at mayroon daw itong tao na katagpo.
Ang 26-anyos na dalaga ay naging pambato ng Tuy, Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant.