-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakamit ng pambato ng Team CaraGold ang gintong medalya sa triple jump – elementary boys category matapos niyang masungkit ang medalyang ginto sa paligsahang ginanap sa Datu Lipus Makapandong Gov. D.O. Plaza Sports Complex.

Nasaksihan ng host province ang kahanga-hangang performance ni Khervine Quijada mula sa Cabadbaran City, dahilan upang makuha niya ang gintong medalya sa athletics.

Ipinakita ni Khervine ang kanyang lakas, husay, at perpektong teknik sa sandpit upang maiuwi ang titulo bilang pambansang kampeon.

Lubos siyang ipinagmamalaki ng kanyang coach na si Riza Talha, assistant coach Ferdinand Oquias, at trainer Miller Manulat.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, ibinahagi ni Khervine ang kanyang labis na kasiyahan sa nakamit na tagumpay, kalakip ang taos-pusong pasasalamat sa Panginoon at sa kanyang pamilya na patuloy na sumusuporta sa kanya.