Magtataas ang Metro Rail Transit Line 3 ng pasahe simula sa susunod na taon.
Ayon pamahalaan, ang naturang hakbang ay kailangan para mapondohan ang mga gastusin para sa mga operasyon ng mga linya ng tren.
Sa oras na maipatupad, ang minimum na pasahe sa MRT-3 ay tataas sa P16 mula sa kasalukuyang P13 habang ang end-to-end trip naman mula sa North Avenue patungong Taft Avenue station ay tataas sa P34 mula sa kasalukuyang P28.
Paliwanag ng Transportation Undersecretary for planning and Project Development Timothy John Batan, itinatapat lamang aniya sa pangangailangan para sa maintenance at mga operasyon ng tren ang pamasaheng ibinibayad ng mga pasahero.
Matatandaan na una ng inamin ng pamunuan ng MRT-3 na dumaranas ito ng isyu sa pinansiyal at sinabing ang fare revenues ay hindi sapat para matusutusan ang pinuhunan sa pagpapatayo ng pasilidad, maintenance at operasyon ng naturang linya ng tren.
Kung saan ang nagastos ng MRT-3 ay umabot sa mahigit P8 billion habang ang kabuuang kita nito ay mas maliit na nasa 1.107 billion noong Nobyembre 2022; mayroon itong deficit na P7.861 billion o P88.34 na subsidiya ng pamahalaan para sa bawat pasahero.