Target matapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program tranche 2 bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Sinabi ni DSWD Usec. Glen Paje, sa ngayon ay nakapamahagi na sila ng P5,000 hanggang P8,000 tulong pinansyal sa 13.9 million na mga beneficiaries o P83.5 billion mula sa kabuuang 14.1 million mga benepisyaryo.
Ayon pa kay Usec. Paje, nagiging problema sa ngayon sa pamamahagi ng ayuda ay ang duplication, mali-maling impormasyong inilagay ng mga benepisyaryo gaya ng hindi tamang cellphone numbers gayundin ang mga lugar na isolated o malayo sa kabihasnan.
Pero sa ngayon, nasa 98 porsyento na umano ang kanilang accomplishment rate at umaasang matatapos bago sumapit ang Nobyembre.
Pinaghahandaan na rin umano nila ngayon ang mga programa at magiging implementasyon nito sa ilalim ng Bayanihan 2.