-- Advertisements --
image 231

Pinamamadali na ng Department of Transportation ang pamimigay ng mga fuel subsidy vouchers para sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan.

Maalalang inaprubahan na ng Department of Budget ang Management ang paglalabas ng P3billion na pondo para rito.

Ayon Transportation Secretary Jaime Bautisa, nagbigay na siya ng direktiba sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB) para sa agarang pamamahagi ng mga fuel assistance sa mga tsuper, oras na naibaba na ang pondo.

Una nang sinabi ng DOTR na nasa 1.36 million na tsuper ng mga pampublikong sasakyan at mga operator ang makikinabang sa fuel subsidy ng pamahalaan.

P10,000 ang matatanggap ng mga operator ng mga modernized jeepney, P6,500 para sa mga tsuper ng tradisyunal na jeep at bus, P1,200 para sa mga delivery service operators, at P1,000 para naman sa tricycle.