-- Advertisements --

Ibababa na sa district level ang pamamahagi ng educational assistance para sa mga mahihirap na estudyante ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) pagkatapos ng Setyembre 24.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na makakatulong ito para maipaabot ang naturang cash aid sa mga walang gadgets o hindi makapagrhistro online.

Mayroon pang dalawang nalalabing payout sa araw ng Sabado para sa mga nakapagrehistro online, sa Setyembre 17 at Setyembre 24.

Nasa P500 million pa ang natirang pondo mula sa P1.5 billion budget para sa naturang programa.

Ikinokonsidera din ng DSWD ang paggamit ng iba pang modes o pamamaraan sa pamamahagi ng cash aid sa susunod na school year kung saan makikipag-usap na rin ang ahensiya sa Department of Educations hinggil sa distribusyon ng cash aid.

Gayundin sa mga local government units para marating lalo na ang mga isolated areas na nasa mga bundok o bukid na walang-wala talaga.