-- Advertisements --
image 12

Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posibleng maipagpatuloy ang pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng programa nitong Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at spokesperson Romel Lopez, naantala ang pamamahagi ng nasabing cash aid dahil inaantay pa na ma-download ang kanilang pondo para sa 2023.

Sa oras aniya na maproseso na ito, agad na ipapamahagi ang naturang cash aid.

Sa kabila nito, paliwanag naman ng DSWD official na maaari pa ring magproseso ang DSWD ng assistance mula sa mga kliyente na ang service providers gaya ng punerarya at ospital ay kinikilala ang guarantee letter ng ahensiya.