Naninindigan si Executive Secretary Ralph Recto na sinunod ng gobyerno ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa isyu ng Philhealth.
Tugon ito ni Recto matapos sampahan siya ng kaso sa korte ng ilang grupo ng mga doktor at abogado ngayong araw.
Sinabi ng executive secretary, ginagalang ng pamahalaan ang karapatan ng sinuman na dumulog sa korte.
Binigyang-diin nito, naibalik at nadagdagan pa ang pondo ng PhilHealth upang mas mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.
Iginiit ni Recto ang kanyang kawalang-sala, batay sa pananaw ng mga mahistrado ng Korte Suprema na wala siyang pananagutang kriminal bilang dating Kalihim ng Department of Finance, dahil kumilos siya nang may mabuting loob at alinsunod sa mandato ng Kongreso.
Tiniyak ni Recto na sinunod nila ang mga nakapaloob sa batas, at kumpiyansa siyang patas itong susuriin ng mga institusyon ang anumang alegasyon.
Dagdag pa ni Recto, mananatili siyang nakatuon sa pagpapatupad ng batas, paggalang sa due process, at pagpapabuti ng serbisyo ng pamahalaan para sa mamamayan.










