Muling kinalampag ng grupo ng mga guro ang Department of Education (DepEd) bago ang kanilang planong isagawa na ang face-to-face classes sa bansa sa mga susunod na buwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Alliance of Concerned Teacher (ACT) Sec. General Raymond Basilio, sinabi nitong marami pa ring silang nakitang kakulangan sa mga paaralan na kailangang unahim bago ang pagsasagawa ng face-to-face classes.
Aniya, nagpadala na raw sila ng sulat sa DepEd para sa kanilang mga hinaing.
Kabilang sa mga nais ng grupo na aksiyunan ng DepEd ang kawalan ng health clinic, na-hire na health personnel.
Dagdag ni Basilio, wala pa silang nakitang paghahanda ang DepEd bago ang nais nilang pagbabalik ng mga estudyante sa mga paaralan.
Iginiit naman nilang suportado nila ang pagbabalik ng face-to-face classes pero ang tanong, kung handa na ba talaga ang DepEd dito.