Pinawi ng Palasyo ng Malacañang angpangamba ng publiko na nakahanda ang Department of Health (DOH) para mapigilan ang paglaganap ng monkeypox sa Pilipinas.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakadetect ng dalawa pang karagdagang kaso ng monkeypox virus sa bansa.
Nitong Biyernes, iniulat ng DOH na dalawang indibidwal ang nagpositibo sa naturang sakit, isang 34 years old at 29 year old na kapwa Pilipino na may travel history mula sa bansa na nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng monkeypox dahilan para umakyat pa sa tatlo ang kabuuang kaso ng nasabing virus sa bansa.
Sa kasalukuyan, sumasailalim sa striktong isolation ang dalawang monkeypox patient at nagsasagawa na rin ang DOH ng case investigation at contact tracing sa naturang mga kaso.
Muling nagpaaalala din ang pamahalaan na patuloy na sumunod sa health protocols para makaiwas sa banta ng covid-19 gayundin sa monkeypox virus.