Pinag-iingat ni House Deputy Speaker Loren Legarda ang national government hinggil sa paglalagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang buong bansa.
Bagama’t kasalukuyang “low risk” na rin sa COVID-19 ang ilang mga lugar sa bansa, iginiit ni Legarda na hindi pa rin naman tuluyang nawawala ang posibilidad na mahawa sa sakit ang bawat isa.
Ito ay posibleng mangyari pa rin lalo pa kung hindi sinusunod ang minimum health protoocols.
Mas mainam na pag-aralan muna nang magbuti ng pamahalaan ang hakbangin na ito, at isaalang-alan ang sitwasyon ng mga Pilipino.
Ito ay lalo pa at sobrang mahal pa rin ang singil sa RT-PCR test o antigen test, na kailangan para makapasok sa trabaho.
Ang dapat na tutukan muna aniya ng pamahalaan sa ngayon ay ang pagpapalakas ng mga mekanismo upang pektibong masugpo ang COVID-19 sa Pilipinas.
Kabilang na rito ang pagkakaroon ng mas malawakang testing centers at pamimigay ng libreng COVID-19 tests sa lahat, na nakasaad sa inihain niyang “Better Normal Bill” sa Kamara.