-- Advertisements --
image 703

Inihayag ni Solicitor General Menardo Guevarra na pinag-iisipan ng pamahalaan ang posibilidad ng paghahain ng isang complaint para sa posibleng restitution o compensation sa ginawang pagsira ng China sa malaking bahagi ng West Philippine Sea na nasa ilalim pa rin ng teritoryo ng Pilipinas.

Ang paniningil ng kabayaran mula sa China, ay bahagi umano ng mga hakbang na tinitingnan ngayon ng pamahalaan dahil pa rin sa ‘increasing number’ ng ginagawa ng China na pagsira sa mga likas yaman sa naturang karagatan.

Ayon kay SolGen Guevarra, maaaring maghain ito ng legal option sa hinaharap, kasama na ang official complaint sa international tribunal.

Kailangan lamang aniya na magkaroon ang bansa ng solid at factual na ligal na basehan para rito.

Ayo pa sa SolGen, ang naturang isyu ay nangangailangan ng ‘prudent consideration and circumspection’ dahil na rin sa pagiging sensitibo ng nature nito.

Maalalang una nang inirekomenda ng Department of Justice ang paghahain ng kaso laban sa China, dahil sa pag-aani at hayagang pagsira sa mga bahura sa mga pinagtatalunang isla sa West Phil Sea.