-- Advertisements --
image 541

Nakaipon ang Pilipinas ng P172million matapos itong magdesisyon na i-dispose ang mga banko na unang ipinasara sa unang semestre ng kasalukuyang taon.

Ayon sa GOCC na Philippine Deposit Insurance Corp., nakapagpasok ito ng P171.9 million na total assest mula sa mga bankong naipasara at tuluyang ibinenta, kasama na ang iba pang konkretong assets, bilang bahagi ng asset disposal initiative ng pamahalaan.

Ito ay mas mataas ng 271% kumpara noong nakalipas na taon.

Umabot lamang kasi noon sa P46.3million ang naipasok ng naturang GOCC sa naturang period.

Maging ang bilang ng mga properties na naibenta ng ay tumaas din ng 33.3%.

Samantala, sa mga naipasarang banko ng naturang GOCC, 109 dito ay mga naipasarang banko habang 15 sa kanila ay napasakamay o acquired properties.

Karamihan sa mga ito ay mula sa Metro Manila, Central Luzon, North Luzon, Southern Luzon, Bicol, Davao, Southern Visayas, at Northeastern Mindanao.