-- Advertisements --
BOC

Mas mabigat na mga kaso na ang kakaharapin ng mga masasangkot sa foreign currency smuggling.

Ito ay kung ganap na maisasabatas ang nailusot na ikatlo at huling pagbasang panukala na “Anti-Bulk Foreign Currency Smuggling Act.”

Saklaw nito ang pagpupuslit ng foreign currency na mahigit sa $10,000 sa pamamagitan ng fraud o panloloko, misdeclaration at iba pang pamamaraan papasok o kahit palabas ng ating bansa.

Nabatid na 266 ang mga kongresista na bumoto ng pabor sa House Bill No. 8200.

Base sa bill, aatasan ang Bureau of Customs na pangunahan ang pagpapatupad nito at sinumang lalabag ay makukulong ng hanggang 14 na taon at pagmumultahin ng doble sa halaga ng ipinuslit na foreign currency, sa anumang paraan.

Pinapayagan din ng panukala ang Bureau of Customs na pansamantalang kumpiskahin ang nasabat na foreign currency o foreign currency-denominated bearer monetary instruments mula sa indibidwal na pinaghihinalaang lumabag sa patakaran.

Oobligahin naman ang BOC na iulat sa Anti-Money Laundering Council ang insidente ng bulk smuggling para sa mas malalimang imbestigasyon.