-- Advertisements --

Malabo pa ring mapabilang sa mga susunod na laro sina Joel Embiid at Paul George ng Philadelphia 76ers dahil sa patuloy na pagpapagaling mula sa kani-kanilang operasyon sa tuhod.

Si Embiid ay nakapaglaro lamang ng 19 na laro noong nakaraang season dahil sa injury sa kaliwang tuhod at paa.

Samantalang si George ay nagtamo rin ng injury sa kaliwang tuhod at adductor, dahilan upang hindi siya makalaro sa simula ng training camp.

Parehong walang tiyak na petsa ng pagbabalik ang dalawang All-Star, ngunit positibo ang kanilang pananaw sa kanilang recovery.

Dahil sa mga injury, nagtapos ang Sixers sa 24-58 record at hindi nakapasok sa playoffs.

Magbubukas ang preseason ng koponan sa Oktubre 2 at 4 laban sa Knicks sa Abu Dhabi.