Balik na sa paglalaro sa NBA ang bigman na si Tacko Fall.
Batay sa report, pumirma ng non-guaranteed Exhibit 10 contract ang batikang sentro para sa Philadelphia 76ers ngunit may posibilidad na maglalaro din siya para sa koponan kapag na-extend ang kontrata pagsapit ng regular season.
Pansamantala, maglalaro muna siya sa nalalapit na training camp ng koponan, mahigit isang buwan bago magsimula ang susunod na season sa Oktobre.
Sa kaniyang pagbabalik sa NBA, makakasama niya ang batikang sentro at forward na sina Joel Embiid, Lebron James, at Jalen Brown.
Huling naglaro sa NBA ang 7-foot-6 center noong 2021–22 season kasama ang Cleveland Cavaliers.
Kinalaunan, naglaro siya sa China sa ilalim ng Ningbo Rockets at matapos ang ilang season ay lumipat din sa New Zealand.
Kasama ni Fall na pumirma sa bagong camp deals sina Jameer Nelson Jr. at Saint Thomas.














