Opisyal nang ipinakilala ng Philadelphia 76ers si NBA superstar LeBron James bilang pinakabagong miyembro ng koponan.
Kasabay ng anunsyo, ipinakita ng Sixers ang jersey ni LeBron na may numerong 23, na muli niyang isusuot sa bagong yugto ng kanyang karera.
Ayon kay Sixers Managing Partner Josh Harris, malaking karangalan para sa koponan ang pagdating ni LeBron.
Aniya, inaasahan nilang makatutulong ang beteranong basketball player upang maibalik ang koponan sa rurok nito para sa kampeonato kasama nina Joel Embiid, Tyrese Maxey, Jaylen Brown, at VJ Edgecombe.
Sa edad na 41, hangad ni LeBron na maging kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na manalo ng kampeonato sa apat na magkakaibang koponan. Dati na siyang nagkampeon sa Miami Heat, Cleveland Cavaliers, at Los Angeles Lakers.
Inihayag ni LeBron noong nakaraang linggo na ang paglipat sa Philadelphia ang kanyang “last decision” sa NBA. Aniya, naniniwala siyang may kakayahan ang 76ers na muling maging kampeonato.
Huling nagkampeon ang Philadelphia 76ers noong 1983, o mahigit apat na dekada na ang nakalilipas.
Samantala, sinabi ni Sixers President of Basketball Operations Mike Gansey na si LeBron ay isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kasaysayan ng basketball at inaasahang magkakaroon ng malaking ambag sa koponan sa loob at labas ng court.














