Tiwala ang pamahalaan na mapadadali na ang access ng Pilipinas para sa hanggang $3 billion na halaga ng official development assistance (ODA) mula sa economic development cooperation fund ng South Korea.
Kasunod ito ng opisyal na pagpapalitan na ng final draft ng framework arrangement nina Finance Secretary Benjamin Diokno at ng konatawan mula sa South Korea kamakailan.
Paglalaanan ng pondong ito ang infrastructure development plan ng administrasyong Marcos na tinatawag na “build better more program mula 2022 hanggang 2026.
Ang panukalang pondong ito ay hiwalay pa sa $1 billion na una nang ipinangako ng gobyerno ng South Korea sa ilalim ng nagpapatuloy na framework arrangement para sa 2017 hanggang ngayong taon.
Ang South Korea ay isa lamang sa pinakamalaking provider o nagbibigay ng official development assistance sa Pilipinas, na may mga pautang at grant commitments na nagkakahalaga ng tinatayag $850.88 million.
Hindi pa naman inihayag ni Diokno kung alin aling mga infrastructure program ang nakatakdang pondohan ng programa ng South Korea.