-- Advertisements --
Libya fighting

Ibinaba na ng pamahalaan sa alert level 3 ang alerto sa bansang Libya, mula sa dating alert level 4.

Ito ay matapos ang pabuti ng political at security situation sa nasabing bansa.

Ibig sabihin, ang pagpapalikas sa mga Pilipinong naroroon sa nasabing bansa ay voluntary na lamang at hindi na sapilitan o mandatoryo.

Iniulat din ng pamahalaan ang pagbuti ng labor sector sa nasabing bansa dahil sa bumaba na umano ang mga isyu sa paggawa ng natanggap ng embahada.

Nitong Hunyo ay umabot na lamang kasi sa 305 ang bilang ng mga natanggap na petisyon na mas mababa kumpara sa 411 noong 202.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,300 Filipinos na nasa Libya na naniniwala umanong ligtas sila sa nasabing bansa. Ang mga nasabnig overseas Filipinos ay mga beterano na sa ibat ibang kaguluhan na kinasasangkutan ng nasabing bansa dahil sa marami sa kanila ay dati nang naroroon simula pa noong Giyera Sibil ng taong 2011.

Sila umano ay nakapag-adjust na sa mga kaganapan sa nasabing bansa.

Sa kabila nito, hinimok pa rin ng pamahalaan ang mga OFWs na nakabase sa nasabing bansa na nakabubuting bumalik na sa Pilipinas dahil sa pabago-bago sitwasyon ng nasabing bansa.