-- Advertisements --

Hinimok ang pamahalaan na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa “like-minded states” sa pagtugon ng mga isyu sa West Philippine Sea sa 2024.

Ginawa ni Stratbase ADR Institute President Dindo Manhit, isang geopolitical analyst ang naturang payo sa pamahalaan kasabay ng ginanap na Fostering Cooperation sa Indo-Pacific Towards 2024 forum.

Aniya, paulit-ulit aniyang iginigiit ng like-minded states ang kanilang suporta para sa arbitral victory ng Pilipinas. Nangako din ang mga ito ng pakikiisa sa ating bansa sa pagdepensa sa rules-based international border.

Sinabi din ni Manhit na isang advocate ang international community sa pagtataguyod ng kapayapaan at istabilidad sa rehiyon. Ang nagkakaisang front aniya ang nagbibigay daan din sa atin para manindigan laban sa agresibo at coercive na aksiyon na nakakasira sa kapayapaan.

Kasabay din ng pagtatapos ng 2023, dapat na nasa magandang posisyon ang PH sa pagharap sa mga banta sa West PH Sea sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating kapasidad at interoperability kasama ang like-minded states. Gayundin ipagpatuloy ang pag-expose o pagbulgar sa publiko ng mga coercive tactics ng ginagawa ng mga agresibong bansa.

Aniya, patuloy ang operasyon ng China sa West PH Sea kung saan inalala nito ang mga mapanganib na aktibidad ng China gaya ng pag-intimidate sa mga Pilipinong mangingisda, ilang serye ng pambobomba ng tubig o water cannon, pagsira sa coral reefs at pagpapakalat ng maling impormasyon.

Kayat inirekomenda ni Manhit na maging sentro ng foreign relations at military strategies sa susunod na taon ang Cybersecurity.