Reading Time: 1 minute
Myanmar Yangon airport
Yangon airport

Napilitang temporaryong isara ang pinakamalaking paliparan sa Myanmar matapos ang pagbalahaw ng military plane.

Isa kasing Chinese-made Y-8-200F transport plane ang dumulas sa runway ng Yangon international airport matapos ang pagkaaberya ng isa sa mga makina nito.

Walang anumang naiulat na nasugat sa nasabing insidente.

Sinabi ni Ye Htut Aung, Deputy Director-General of Myanmar’s Department of Civil Aviation, na agad maibabalik sa normal operations ang paliparan kapag naalis na ang sumadsad na eroplano.