Maraming pasahero ng paliparan sa Kenya ang naantala ang flight dahil sa naganap na strike.

Nagpakalat na ng mga sundalo sa Jomo Kenyatta airport sa Nairobi para maiwasan ang anumang kaguluhan.

Ikinagalit kasi ng mga empleyado ng paliparan ang planong pag-isahin na lang ang airport authority at national airlines.

Dahil sa nasabing kilos protesta ay naapektuhan rin ang ibang paliparan sa Mombasa, Eldoret at Kisumu.

Ikinagalit naman ng gobyerno ang ginawang ito ng pasahero at tinawag na iligal.

Matapos ang halos isang araw ay bumalik na rin sa normal ang mga flights.