-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ng pagbaha at landslide sa lalawigan ng Palawan dahil sa pagtama ng bagyong Vicky.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 135 km sa silangan timog silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Nakataas ang signal number one sa northern at central portion ng Palawan (Araceli, Dumaran, Taytay, El Nido, San Vicente, Roxas, Puerto Princesa City, Aborlan, Narra, Quezon at Sofronio Espanola) kasama na ang Calamian, Cuyo, Cagayancillo at Kalayaan Islands.