-- Advertisements --

Nagbabala ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na banal.

Kaagad naman nilinaw ni Castro na hindi si Senator Alan Cayetano ang kaniyang pinapasaringan.

Sinabi ng Palace Official, ang kaniyang pahayag ay pangkalahatan, subalit kung tatamaan ang senador wala itong magagawa.

Binuweltahan ng Malacañang si Cayetano matapos nitong sabihan si Acting Senate President Win Gatchalian na “huwag magpagamit sa Malacañang.”

Ayon kay Castro, walang kinalaman ang Palasyo sa naging gusot sa Senado at hiniling na huwag umasta si Cayetano na tila siya pa ang biktima.

Binigyang-diin ni Castro na ang mga insidente noong Mayo 13—kabilang ang “lock-and-load order” ni General Aplasca at ang pagpapatakas kay Senador Bato dela Rosa na itinuturing na co-perpetrator sa crimes against humanity—ay pawang alam at aprubado ni Cayetano. 

Dahil dito, naantala umano ang paghahanap ng hustisya ng mga biktima ng Extrajudicial Killings (EJK).