-- Advertisements --

Ipapaubaya na lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya kung pananatilihin pa ba niya bilang spiritual leader nito si Pastor Apollo Quiboloy kahit na nahaharap ito sa kasong sex-trafficking.

duterte pastor apollo quiboloy

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na hahayaan na lamang nito sa pangulo kung ano ang magiging desisyon niya.

Iginiit pa nito mahigpit ang ginagawang kampanya ng gobyerno laban sa sex trafficking sa bansa.

Magugunitang inanunsiyo ng US prosecutors ang sex trafficking na kaso laban kay Quiboloy.