-- Advertisements --

Naniniwala ang Malacañang na hindi dina-downplay ng Department of Agriculture (DA) ang isyu sa African swine fever (ASF) para lamang pahupain ang pangamba ng publiko.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng DA na ang mga naitalang kaso ng ASF ay contained lamang sa ilang mga lugar gaya ng Rizal at Bulacan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala silang dapat paniwalaan kundi ang Agriculture Department dahil ang mga binibitiwan nitong mga pahayag ay batay sa findings.

Ayon kay Sec. Panelo, kumbinsido silang maayos na napapangasiwaan ng DA ang problema sa ASF kabilang ang pagdetermina sa kung saang mga lugar mayroong kaso ng nabanggit na sakit na kumikitil sa mga alagang baboy.

Nabatid na sa United Kingdom pa ipinasuri ng DA ang 20 blood samples ng ilang domestic hogs na kung saan 14 sa mga ito ang kinumpirmang positibo sa African swine fever.

“I do not think so. They’re the ones who investigated the incident, and so their statements were based in their findings,” ani Sec. Panelo. “As far as they’re concerned, they handled it properly. If there are isolated cases in one place, then they will take care of that.”