-- Advertisements --

Nagpaabot na ng pagbati ang Malacañang kay bagong House Speaker Lord Allan Velasco matapos ang pagratipika ng mayorya ng mga kongresista sa kanyang pagkakahalal kahapon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng Malacañang ang liderato ni Velasco bilang bagong House Speaker, kapalit ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Kasabay nito, nanindigan si Sec. Roque na ang paghahalal kay Speaker Velasco ay bunga ng desisyon ng mga kongresista.

Ayon kay Sec. Roque, tapos na ang boksing at umaasa silang maaaprubahan sa third and final reading ang 2021 proposed national budget sa Kamara mula ngayon hanggang Biyernes.

Nagpasalamat din ang Malacañang sa Kamara dahil isinantabi umano ng mga kongresista ang pulitika at prayoridad ang pagtalakay sa national budget kung saan nakapaloob ang pondong gagamitin sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.