LAOAG CITY – Iginiit ng kapitan sa Barangay Zamboanga sa Lungsod ng Laoag na hindi naipilaam sa kanya ang pagdating ng Authorized Person Outside Residence (APO) sa kanilang lugar.
Pahayag ito ni Barangay Zamboanga Chairman Elmer Lorenzo matapos magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang manager ng Philippine Airlines (PAL) na galing sa lalawigan ng Rizal.
Ayon kay Lorenzo, hindi nakipag-ugnayan ang pasyente sa kanya at lumalabas na dumiretso ito sa subdivision na sakop na kanilang barangay.
Nalaman na lamang aniya na positibo ang nasabing APOR sa isang senior citizen at kinumpirma ito sa kanya ni Dr. Roger Braceros.
Natukoy na dumating ito sa lalawigan noong Hulyo 1 at lumabas din noong Hulyo 7, pero sa ikalawang pagbalik nito sa Ilocos Norte ay hindi na niya nalaman.
Nabatid na noong bumalik ito sa lalawigan ay sumailalim naman sa rapid testing at negatibo ang resulta, ngunit para makasiguro ay sumailalim sa swab testing at dito niya nalaman na positibo ito sa virus.
Samantala, sinabi ng barangay kapiatn na isa sa mga kasalamuha ng pasyente ay isang babae na mahilig din umanong makisalamuha sa ibang tao na dahilan ng lalo nilang pangamba.
Nais ngayon ni Lorenzo na maipatupad ang lockdown kung saan dumiretso ang APOR habang nagpapatuloy ang contact tracing.