-- Advertisements --
All-set na ang pagbubukas ng flight mula Cebu patungong Baguio City sa darating na Disyembre 16 ang Philippine Airlines.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, nitong Lunes ay naging matagumpay ang ginawang test flight ng kanilang eroplano kung saan lumapag ito sa Loakan airport.
Kasama nilang nagsagawa ng assesement ang Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Paliwanag pa nito na makakatulong ang nasabing flights para mapalakas ang turismo sa Cebu at Baguio City.